#Volunteer

Volunteer with us

One of the greatest things you can give for the planet is your time.

TAKE ACTION

In the weeks leading up to Election Day, Greenpeace volunteers unfurled #IsyuHindiKandidato banners on footbridges along major highways in Metro Manila. © Greenpeace / Geric Cruz

Hawak-hawak ko noon ang mabigat na banner habang ito’y hinahampas ng malakas na hangin. Tinatanaw ko ang kakaunting lumitaw na mga kasamahan sa mga oras na iyon, ang ilan ay namimigay ng mga flyers na naglalakip ng mahahalagang impormasyon. Sila’y tila di nakikita ng mga dumaraang mga tao at motorista. Sa sandaling iyon, bigla akong nakaramdam ng pagod at natanong ko ang aking sarili:

Ano nga ang aking ginagawa dito?

Ngunit sa sumunod na mga sandali ay nasilayan ko ang determinasyon sa kanilang mga mukha. Aking naalaala ang mahahabang paglalakad upang magdikit ng papel na sticker na may kalakip na mensaheng #IsyuHindiKandidato sa ibabaw ng mga campaign posters at materials ng mga kandidato; at ang enkwentro namin sa taong galit at pamurang sinabing “’Wag mong dikitan yan, kandidato ko yan!”

Greenpeace volunteers joined the #IsyuHindiKandidato campaign caravan encouraging Filipino voters to vote based on the issues they care about, not personalities.

Aking naalaalang mayroon akong mga kasamahang naglaan ng kani-kanilang oras at seguridad upang magtungo sa mga footbridges at magkabit ng mga banners na nananawagan para sa tamang pagpili ng kandidato. Buo ang loob nilang hinarap ang mga galit na enforcers na nagpapaalis sa kanila. Aking naalaala ang mga kasamahan na muntikan nang mapahamak nang mapunta sila sa isang Miting de Avance ng isang partido.

Sa mga sandaling iyon ay lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang pag-asang may magandang kahahantungan ang mga sakripisyo at gawaing tulad nito.

Sa ngayon, makalipas ang pangangampanya at botohan, aaminin kong masakit at tunay na may kirot sa puso ko ang huling halalan. Hanggang kailan natin kinakailangang ipaglaban pa ang mga isyu na dapat sana’y isinusulong ng mga kandidato upang maprotektahan ang karapatan ng mamamayan at kalikasan at, higit sa lahat, ang kinabukasan ng ating mga salinlahi?

Ngunit nang makita ko ang resulta ng eleksyon sa pamahalaang lokal, nabuhayan ako. Sa kabilang dako, nanaig ang pag-asa sa ilang mga lungsod: nagwakas na ang political dynasty sa Pasig, San Juan, Maynila, at iba pang lugar.  Para sa akin, hudyat ito na dumarami na ang mga botante na isinasaalang-alang ang plataporma na dala ng mga kandidato.

Pero kailangan din ng mga totoong pinuno sa nasyonal na pamahalaan.  Napapanahon na upang tayo’y magkakaroon ng mga tunay na kakampi sa gobyerno, mga lingkod-bayan na magsisilbi nang tapat, na masigasig at buong loob na ipaglalaban ang mga isyu ng kalikasan … ng ating mga buhay at kabuhayan.


Edward T. Bautista is an environmental activist whose goal is to dedicate majority of his daily time to protecting, loving, and fighting for the welfare of our environment. He believes that, especially in the Philippines, we must always carry this principle in everything we do: “People and planet. Not just profit!”

Got ideas to share or want to get involved in Greenpeace campaigns? Click here.